kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gloc-9 - utang clan lyrics

Loading...

[chorus]
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, bakit ka nagtatago?
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, palagi nalang bigo

[verse 1]
makinig sa kwento, ‘di to inimbento
nangyayari sa buhay, depende sa porsyento
na kasali, madami, nadali, iisang finale
pwedeng ale, lalaki, may_ari, lahat ay kasali
walang pinapatawad ‘pag alam na matulungin ka
lalatagan ka nalang ng pain, tutuhugin ka
totropahin, bobolahin, laging pupurihin ka
mabubulaklak na mga salita, pupunuin ka
tapos biglang may magkakasakit, sa’yo unang kakalabit
panay_panay ang bili ng bagong sapatos at damit
teka lang, kailan mo nga ako babayaran ulit?
biglang kakaripas ng takbo na pinakamalupit
‘di mo na makita kahit sa kanila
pero panay ang post na siya palagi ang pabida
puro lang salida, tila wala namang bisa
parang takong ‘di natisa, malakas pero mahina
hoy!
[chorus]
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, bakit ka nagtatago?
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, palagi nalang bigo

[verse 2]
bakit ka ganyan? sana’y hiningi mo na lamang
akala ko kakampi ka, yun pala ay kalaban
tinulungan ka na nga, ako pang sinangkalan
bibitawan, iiwanan, at agad na tatapakan
tapos ‘pag kaharap ay tila ikaw pa ang nalugi
pwede sa iba, pero ‘di sa’yo ang sisi
kahit anong haba ay mauubos ang pisi
mahirap ang magtimpi, parang pinipigil ang ihi
huwag mong sisirain ang sarili mo sa pangako
na hindi mo kayang tuparin at mapapako
mga baga sa apoy na sadyang nakakapaso
ang ganyang ugali, baka sakali, ay itago
huwag nang ilabas at hindi na pamarisan
kahit pa maligo ng alahas at bihisan
dahil sa pag_iwas, p_n_lo ka sa pabilisan
kailanma’y ‘di mo ikayayaman ‘yan, kaibigan
[chorus]
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, bakit ka nagtatago?
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, palagi nalang bigo

[chorus]
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, bakit ka nagtatago?
utang ay utang, kusang lumutang
huwag kang magulang, dapat ‘di kulang
kahit hulugan, nakalimutan
medyo magulang, palagi nalang bigo

[outro]
kapag umutang ka ay hindi lamang pera inutang mo
nangutang ka rin ng hiya, respeto at pakikisama
depende na lang ‘yan kung maibabalik mo ng buo

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...