gloc-9 - sagwan كلمات الأغنية
kahit malalim lulusungin ko
lahat ng alon haharangin ko
kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo
marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
kahit ilang bagyo wala sa akin
makakapigil pa makita lang kita
seaman ang tawag sa amin
ibat-iba man ang gawain
halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
parang ihip ng hangin
kailangang unawain nyo ako
si domingo evagelista ako’y nanggaling pa probinsya
lumuwas don sa maynila baka sakali lang k-mita
ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw
mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko
taga hugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
uniporme ko puti na palagi madume huwag nyo na tignan inyo pakinggan
ang kwento ng bawat tao sa dagat pa lutang lutang sa tubig alat
makapag trabaho ang tanging balak
para sa pamilya handang sumabak ang mga
seaman ang tawag sa amin
ibat-iba man ang gawain
halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
parang ihip ng hangin
kailangang unawain nyo ako
akoy mang-aawit sa barko pag gabi tawag sa akin ay rey
pero pangalan ko ay reni sunud-sunod ang mga tip
kaya laging may pangbili kahit ano kakantahin
basta malakas ang tili kapag b-mirit kinikilig lahat ng kababaihan
oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
halo-halong pabango na ang k-mapit sa unan
hindi na mabilang kaya ng-yon may karamdaman
ako naman si tonio ang kanang kamay ng kapitan
asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
pag-uwe mahirap mag ngiti parang mali
ang tubo ng mga iniwang kong binhi na lulong sa bisyo at
tumigil na sa pag-aaral palaging naka ngiti ang kilos ay tila mabagal
ang mahal ko asawa tang-y ang lahat ng takal
karangyaan pa pala ang syang dahilan ng sagabal sa buhay
kahit malalim lulusungin ko
lahat ng alon haharangin ko
kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo
marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
kahit ilang bagyo wala sa akin
makakapigil pa makita lang kita
napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
habang nagpapahinga at mag-isa sa aking kwarto
paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako
sa aking pamilya at mga anak asawang na iwan sa pilipinas
nakakaiyak man di binitawan larawan nyo khit pa nasusuka na ako sa alon
ang inyong kinabukasan ang syang tanging ko baon at ng lumaon ay makauwe sabay na umahon
sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
pero sanay maintindihan upang muling masindihan natin ang kalan at ng malagyan ang hapagkainan
lalayo muli dadaong sa ibang bayan kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
sampu ng mga kababayan ko tinitibayan pag-asa tangan-tangan na sing tibay ng kawayan
kahit malalim lulusungin ko
lahat ng alon haharangin ko
kahit malayo tatahakin ko kung itoy babalik sayo
marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
kahit ilang bagyo wala sa akin
makakapigil pa makita lang kita
seaman ang tawag sa amin
ibat-iba man ang gawain
halinat kilalanin mo ako
man ay pasalin-salin
parang ihip ng hangin
kailangan unawain nyo ako
كلمات أغنية عشوائية
- once and future band - the old brain كلمات الأغنية
- demi portion - j'ai vu (1990) كلمات الأغنية
- jon and roy - runner كلمات الأغنية
- 2 mello - the rhythm كلمات الأغنية
- ed bruce - am i gonna have to burn atlanta down كلمات الأغنية
- paolo ragone - arrepentimiento كلمات الأغنية
- annie herring - get the picture كلمات الأغنية
- drefgold - bankroll كلمات الأغنية
- floe - dr. strange كلمات الأغنية
- b3llyache - insane كلمات الأغنية