kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gloc-9 - kahit malayo كلمات الأغنية

Loading...

sino ang siyang mag_aakala
na isang batang binangonan
sumasampa ng entablado at pinagtatawanan
dahil mahilig siyang tumula
nakatingala, nangangarap nang gising
kailanma’y ‘di nawalan ng pag_asa na
darating din ang araw na siya ay sisikat din

kahit na malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
kahit na malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
hanggang sa makauwi

ang nais ko lamang naman gawin ay
sumulat ng mga salita’t ipadinig sa iba
kahit lahat ng mga bintana at mga pintuan ay paulit_ulit na sinasara
sa ‘yong mukha
mapalad ka ‘pag sinabihan ka walang papupuntahan
madaling mababali ang ganyang mga pahayag, isipin mo
kahit maka_isang hakbang ka lang

kahit malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
kahit na malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
hanggang sa makauwi
hanggang sa makauwi
hanggang sa makauwi
dati_rati sa tabi_tabi lamang bumibitaw
lahat hahainan kahit aminado pa na hilaw
loob na mas malakas sa sigaw ng mga batingaw
susuungin ang lahat kahit magkaligaw_ligaw
dati_rati ang bayad na hinihintay lang ay tyansa
upang makahawak ng mikroponong malansa
para makilala nakahandang dumaan sa
butas ng karayom o ilalim man ng plantsa
biyahe na nagsimula sa pagsakay ng dyip
traysikel, pedicab, o sa bus na masikip
ang tingin sa’yo ng ilan sadyang napakaliit
kaso ako’y parang bata sadyang napakakulit
hahabulin ang pangarap kahit ga’no pa katulin
bawat dulo’y ibubuhol ilang beses mang putulin
susunugin ang kilay lahat ng oras gugugulin
hanggang sa matandaan pangalan kahit ‘di ulitin

sino ang siyang mag_aakala na isang batang binangonan
sumasampa ng entablado at pinagtatawanan
dahil mahilig siyang tumula
nakatingala, nangangarap ng gising
kailanma’y ‘di nawalan ng pag_asa na
darating din ang araw na siya ay sisikat din

kahit na malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
kahit na malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
hanggang sa makauwi
kahit na malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
kahit na malayo, sumama ka
kahit sa malayo, kasama ka
hanggang sa makauwi
hanggang sa makauwi
hanggang sa makauwi
hanggang sa makauwi
hanggang sa makauwi

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...