
gloc-9 - 4424 كلمات أغنية
ito’y parang umaga pagkatapos ng dilim
naipon sa regalo na pwede mo nang bilhin
pinalimos lahat ng kayamanan ng sakim
bitak_bitak na labi sa laway ay pasain, kanain
ganapin sa isipan ang gusto
kung ‘di kayang lasapin, pag_isipan nang husto
‘pag hindi ka pa gumaling, paano matatapos ‘to?
matupad lang ang hiling, ‘di na matatapos ‘to
kasi ito ang pinagdasal, nakatungo man o tingala
tulala, butata, sa init ang bilasa
pero huwag kang papayag na ikaw ay mag_sawala
kapag nakadampot ng pagkakataon ay magwala
teka, easy lang, paapuyin mo lamang, huwag yung sobra
yung tipong mapapaamo mo pati yung kobra
kamandag na dumadaloy sa iyong mga obra
halik sa iyong noo, regalo sa’yo ni donda
honda, tatak ng motor sa traysikel
sa las piñas, galing ng malate para k_mitil
sa mikropono na trono ko ay gigil na gigil
sino ‘yan, teka, kilala mo ba si aristotle
pollisco? alisto, tinitiis ko
ayaw pang umamin, paa ko ang kini_kiss mo
‘pag di mo nadinig, tinig ko ay namimiss mo
kahit anong ilatag na banig, mini_miss mo
bilis please, release this, kasi diniss ka
delete this, minismis na parang bibingka
sa business, tiis ris, babaratin ka
the thing is, we k!ll this, paparating na
ang araw na tayo naman
ang siyang dapat umani ng bunga sa tinaniman
anumang dahilan o katunggali man gusto mong tapatan
ay dapat tatama at di kapos ang dala mong ‘palaya
walang taya, pag bumitaw ng mga kataga
‘pag nilapitan at ‘yong hinawakan ay liliyab ka na lang nang malala
papalag kahit na pata_pata, kabado pero ‘di pahahalata
katulad ng mga kapatid ko na makatang ‘di napapagod na tumula
hayaan mong sa apatnapu’t apat na bara na ‘to
ipakita mo sa lahat ng nagdududa sa ‘yo
tsaa ng albularyo, pinakuluang pito_pito
mas mabisa ‘pag binawasan ng tatlumpu’t tatlo
ilapag, tugmaan sa taas ng palapag
bagong tasang lapis at papel ang ‘yong kalasag
bilangan ang kwatro na ang kanto ay matatag
dahil sa tuktok, ilan lang ang hindi malalaglag
sulat na!
كلمات أغنية عشوائية
- dice b - demain c'est loin كلمات أغنية
- evilspiritblue - killswitch كلمات أغنية
- angels & airwaves - no more guns كلمات أغنية
- pev - colinas كلمات أغنية
- marshall beats cuh - the story of oscar ii كلمات أغنية
- clara c - my kinda lovin كلمات أغنية
- dead emerson - eleventh hour كلمات أغنية
- malonza kituu lilsensie muwafaq alazzawi - the ways كلمات أغنية
- chris webby - burn كلمات أغنية
- malco - fly out to the 513 كلمات أغنية