kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

gloc-9, ebe dancel, noel cabangon - sa duyan ng bayan lyrics

Loading...

[noli cabangon]
papaano mo ba malalaman
kung ang katuwiran ng ‘yong hangarin
ay ang wasto at tapat?
hanapin mo sa pag_aninaw

papaano mo nga ba mahaharap
ang pangyayaring maaaring
magbig_y_pahamak?
hindi mo kaya nang mag_isa

hahayaan mo bang tumuloy_tuloy
ang paulit_ulit na pasisiil?
oras na para alintanahin

baka nama’y iba ang ‘yong karanasan
ngunit nandito ka at kapwa nitong bayan
makisama at pagnilay_nilayan
balikan ang dapat tandaan

(sindihan) ang ‘yong paniniwala’t paninindigan
(sindihan) kasama natin ang diyos sa bayanihan
(sindihan) mo ang pananampalataya
ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan

[ebe dancel]
papaanong iwasang malunod
ang mga kuwentong umaawit ng totoo?
humakbang para sa katarungan
pilit ba nating takpan ang mga tainga
sa mga boses na dumaraing at nawawala?
alalayan mo ng pag_asa

hindi ba natin nararamdaman
ang halo_halong pulso ng nakararami?
oras na para alintanahin

baka nama’y iba ang ating karanasan
ngunit nandito tayo’t kapwa nitong bayan
makisama at pagnilay_nilayan
balikan ang dapat tandaan

(sindihan) ang ‘yong paniniwala’t paninindigan
(sindihan) kasama natin ang diyos sa bayanihan
(sindihan) mo ang pananampalataya
ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan

[gloc_9]
ga’no kalalim ang kaya mong lusungin?
ga’no kainit ang kaya mong magpadarang?
mapanganib ay lulusungin
pwede mo bang akuin kahit walang makaalam?
alang_alang sa paniniwala
kung sa’n mo nakuha ang tunay na pagmamahal
malasahan man natin ang luha’t hindi man humupa
maghintay man nang matagal
diligan ang mga tuyong
damdamin at pusong bumubulong
kahit na uhaw na uhaw ka na
kaya mo pa rin ba na hindi uminom?
latayan ng ‘yong balat, tinig ay ‘di mamamalat
walang sumisigaw
hawak ang pangako na binitawan
inilawan, gamitin mo na tanglaw
‘pag nasa dilim at dumidiin
ng paninikil, ‘di bibiguin
dahil mas malalim ang ugat ng aming pag_ibig
kahit buhay ma’y kitilin
bawat patak ng dugo, pagkataong bumubuo
manakaw ay hindi
mananatiling buo para sa bayan
‘di yuyuko, w_ngis ma’y ikubli

pero ga’no kalalim ang kaya mong lusungin?
ga’no kainit ang kaya mong magpadarang?
kay dali nga namang sumuway
kay dali nga naman na manisi
manguna na tayo’t ilabas ang tanglaw
‘wag kalimutan ang dapat tandaan

(sindihan) ang ‘yong paniniwala’t paninindigan
(sindihan) kasama natin ang diyos sa bayanihan
(sindihan) mo ang pananampalataya
ikaw ang liwanag (ikaw ang liwanag)
sa duyan (sa duyan)
sa duyan ng bayan

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...