
gloc-9, assembly generals - tablan lyrics

[chorus]
mata ko’y paluhain kahit ang balat butasin
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
‘pag nagpaulan sa hangin, ang bala’y sasagupain
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
sa malayong lalakarin, uubusin ang hinain
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
tamaan man kahit ilan (‘di ako tinatablan)
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
[verse]
mabigat na buhat, luma na panulat
bumabalik lagi sa sulat, kabisado sulat
masukal na gubat, galos puro sugat (uh)
pupunitin lagi kahit ga’no pa kakunat (yeah)
sabay unat para ‘di tablan, bakal ang nilalaman
sugod lang, dami n’yong patira pero hangin lang
puso at talino ang aking ginagalawan (uh, uh)
kaya’t ganyan, kahit anong patlang, ako ang lalamang
yeah, ano man ang lumipas, ako ay ‘di matitinag
mananatiling matikas ang katawan at isipan
nananaig ang liwanag sa kadiliman
umabot man ako sa dulo ng walang hangganan
mataas man ang hagdanan
[chorus]
mata ko’y paluhain kahit ang balat butasin
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
‘pag nagpaulan sa hangin, ang bala’y sasagupain
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
sa malayong lalakarin, uubusin ang hinain
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
tamaan man kahit ilan (‘di ako tinatablan)
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
[verse]
bago ko pasukin ang larangan, nakilala ang kalaban
ilang beses nadapa hanggang masukat ko ang tapang
k_mapal ang kalyo ng mga sugat sa bawat salang
suot ang bawat galos at pinsala ng digmaan
digmaan sa kanto, may mga atraso
kailangang tingnan na parang kagat ng aso
may lamat na baso (uh), sa ‘mi’y walang kaso (uh)
mainit na tila pinabayaan na trangkaso
eh, ang kaso may humarang pero ‘di naman lalaban
at kahit may ibalang, lagpasan, walang atrasan
kasi ‘di n’yo lang alam ang aking mga dinaanan
sige lang, subukan ang sapatos ko kung kaya n’yong lakaran
[chorus]
mata ko’y paluhain kahit ang balat butasin
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
‘pag nagpaulan sa hangin, ang bala’y sasagupain
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
sa malayong lalakarin, uubusin ang hinain
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
tamaan man kahit ilan (‘di ako tinatablan)
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
[verse]
ang dami_dami_dami_dami n’yong binibitawan
lahat nanggaling sa ugaling puro talangkaan (yeah)
‘wag puro salitaan, lagyan mo ng galawan
sa ganyang kilusan, baka ika’y masagasaan
manibela, maniobra, ‘pag hindi krus, ‘yan ay kara
dami nang lumalamon sa kusina, ba’t ‘di ka maghain sa sala?
para, para may pwesto, ‘wag laging imbento
baka sa balita, ikaw ang makita sa mga ulat ni calvento
alam kong namang hindi madali, maranasan ginhawa man o sakit
subukan mo mang hamunin ay hinding_hindi kayang patumbahin
asintahin ang iyong hiling, mga pangarap, iyong abutin
‘wag kang matakot na lumusob sa giyera, nakahanda ka dapat saluhin
nakahanda ka dapat salagin
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
tamaan man kahit ilan (‘di ako tinatablan)
sige lang, magpaulan (‘di ako tinatablan)
‘di ako tinatablan, ‘di ako tinatablan
كلمات أغنية عشوائية
- zodiaks - daugava lyrics
- icecream hands - rain hail shine lyrics
- the gourds - waterbag lyrics
- sérgio godinho - até domingo que vem lyrics
- the lovely feathers - mildly decorated lyrics
- tywanna jo baskette - just a memory lyrics
- mimis traiforos - ymnos tou paok lyrics
- the belle stars - ci ya ya lyrics
- cosculluela - blam blam lyrics
- thea gilmore - jazz hands lyrics