kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

geiko - sol at luna كلمات الأغنية

Loading...

nakaupo, tulala;
nag-iisa sa mga kuliglig sa labas
at baka naman, ako’y pakikinggan

inaalala ang araw
na k-mikinang
ganoon ako tuwing nakikita ka;
aking liwanag sa dilim

at nung yinakap mo ako
tila ba’ng nawala
ang problema sa mundong puno ng kasakiman
‘wag ka munang bumitaw, aking sinta

‘di ko kayang numingning kung wala ka
malungkot ang gabing malamig
kung wala ang iyong init
wala nang kulay ang paligid
wala nang buhay ang daigdig
kung wala ka sa aking tabi

mahal kong sol
ako si luna
tayo ba ay ipinagtadhana ng sansinukob?
ngunit, tayo ay ipinaglayo

namumula tuwing tayo’y
magkaharap habang
hawak ang ‘yong kamay
aking susulitin ang munting sandali

at nung kinantahan mo ako
tila ba’ng huminto
ang oras bago pang sumapit ang bagong taon
binabasa ang liham habang suot ang regalong kwintas
puwede bang balikan ang nakaraan?

‘di ko kayang numingning kung wala ka
malungkot ang gabing malamig
kung wala ang iyong init
walang kulay ang aking paligid
walang buhay ang aking daigdig
kung ‘di tayo magkatabi

ika’y mamahalin kahit ‘di mo na ibig ang aking damdamin

naaalala mo pa
ang mga araw na masamit
nung tayo’y magkasama?
abot ang ngiti sa malayong bituin

k-musta ka?
okay ka lang?
pagod ka na yata
sa katorpehan ng tao
o baka naman sa akin pala

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...