
gary granada - kapag sinabi ko sa iyo كلمات أغنية
kapag sinabi ko sa iyo na ika’y minamahal
sana’y maunawaan mo na ako’y isang mortal
at di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
o di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
kapag sinabi ko sa iyo na ika’y iniibig
sana’y maunawaan mo na ako’y taga-daigdig
kagaya ng karamihan, karaniw-ng karanasan
daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
ako’y hindi romantiko, sa iyo’y di ko mat-tiyak
na pag ako’y kapiling mo kailanma’y di ka iiyak
ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
ngunit kung di pa maganap, sana’y huwag mong ikalungkot
kapag sinabi ko sa iyo na ika’y sinisinta
sana’y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
ang kayamanan kong dala ay pandama’t kamalayan
na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
halina’t ating pandayin isang malayang daigdig
upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
kapag sinabi ko sa iyo na ika’y sinusuyo
sana’y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo
كلمات أغنية عشوائية
- granrodeo - dawn gate كلمات أغنية
- larry bills - for your eyes only كلمات أغنية
- crøssed hearts - dead كلمات أغنية
- xena the artist - glass house كلمات أغنية
- tomi p - jenny of oldstones كلمات أغنية
- paul nwokocha - my helper كلمات أغنية
- massimo (hrv) - oblak كلمات أغنية
- steve sniff - shadow people كلمات أغنية
- banners - have you ever loved someone كلمات أغنية
- rio da yung og, rmc mike & grindhard e - lost a person كلمات أغنية