dong abay - kukote كلمات الأغنية
may araw na o laging gabi
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
gaano man kadilim
magliliwanag pa rin
nakikita ba ang bahagharing itim?
ang buwan na bulok, ang basag na bituin
naririnig din sa buong papawirin
bihag ang kulog, kidlat ay alipin
may ulap na, may gubat, may dagat pa
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
langit ay liliparin
kahit ang hangin ay may patalim
punong taimtim ay lilim ng lagim
pusod ay puntod, puso ay balong malalim
pagsisid ny hindi pinagsisisihan
paligid ay isang panaginip lang
umaambon, umuulan, bumabagyo
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
umiiyak ang diyos
sa halakhak pagkatapos
nabasa ka kaya sa patak na bumuhos?
bumaha ba ng luha sa pagpalakpak ng unos?
lumubog man ang lupa, may ilog parin na aagos
malaya ay malawak, malaya at di nakagapos
sa mata ng ating kukote
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
sa mata ng aking kukote
sa mata ng ating kukote
كلمات أغنية عشوائية
- poziomzero - glasgow كلمات الأغنية
- dvg - u frontin كلمات الأغنية
- pharaoh - let's stay at home كلمات الأغنية
- emma louise - i thought i was a ship كلمات الأغنية
- florida georgia line - may we all كلمات الأغنية
- luchè - andrò via di qui كلمات الأغنية
- hood alliance - marina bay sands كلمات الأغنية
- jolix christian - sempre buscarei a ti كلمات الأغنية
- fifth harmony - voice mail كلمات الأغنية
- the mean machine - disco dream كلمات الأغنية