kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

dong abay music organization - oligarkya lyrics

Loading...

katotohanang hubad kalayaan ay huwad
kapulungang tamad katangaha’y walang katulad
kasamaang sagad kasakiman ang hangad
kaunlarang makupad kakupalan ang bayad

kapamilya kasangkot kamag_anakang kurakot
kaibigang mandurukot kaklaseng nanghuhuthot
kakilalang may palusot kabarang_y hinahakot
kandidatong puro utot kapartidong hindot

anong demokrasya nagpapatawa ka ba
ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
anong demokrasya nagpapatawa ka ba
ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya

kaululan ay talamak kababawan sandamakmak
kasinungalingan pinuputak kapangyarihang walang utak
kalikasan winawasak karapatan niyuyurak
katarungan hinahamak katarantaduhang tiyak

anong demokrasya nagpapatawa ka ba
ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
anong demokrasya nagpapatawa ka ba

ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
kahayupan ng mga hayok katiwalian niluluklok
karangyaan tinatampok kabang_bayan ang tumbok
kapuluang nakalugmok kapabayaang dagok
kalokohan ng mga ugok kalakarang bulok
anong demokrasya nagpapatawa ka ba
ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya
anong demokrasya nagpapatawa ka ba
ang sistema ng gobyerno ay oligarkiya

anong demokrasya (anong demokrasya)
anong demokrasya (anong demokrasya)
anong demokrasya (anong demokrasya)
anong demokrasya (anong demokrasya)

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...