
dionela - 153 lyrics
[verse 1]
bakit napatid nung napatid kulay pulang tali
nating nakabigkis dati sa’ting dalawa
likas sating lumikas ‘pag bagyo’y nagbabadya
bakit ng_yon tahanan natin ay nawawala?
[pre_chorus]
walang ibang galaw kung ‘di ang bumitaw
mga paruparo sa tiyan ko ay naging barang
walang maling galaw nung meron pang ikaw
nagsilbing mapa ngunit ba’t ako’y iniligaw
[chorus]
bakit ganito? sinanay mo ‘ko
ta’s bigla kang lumayo
wala nang bisa ‘yung isa, apat, tatlo
‘eto wala na ngang tumitibok sa dibdib ko
baka naiwan ko sa’yo
(lipad_lipad, paruparo lipad)
(lipad_lipad, paruparo lipad)
hindi na ‘ko mabubuo
(lipad_lipad, paruparo lipad)
(lipad_lipad, paroparo lipad)
[verse 2]
wala nang makapitang patalim, yeah
nagyelo na ‘yung dati na mainit
ang musika ay tila tumahimik
kaya mo naman palang umayaw
bakit ka pa sumama sa’kin palayo?
diretso lang, ‘di ba? ba’t ka lumiko?
pa’no lalakad na sa’yo’y sulo?
dala palayo, ng_yon sa dalim ako nakatayo
[pre_chorus]
walang ibang galaw kung ‘di ang bumitaw
mga paruparo sa tiyan ko ay naging barang
walang maling galaw nung meron pang ikaw
nagsilbing mapa ngunit ba’t ako’y iniligaw
[chorus]
bakit ganito? sinanay mo ‘ko
ta’s bigla kang lumayo
wala nang bisa ‘yung isa, apat, tatlo
‘eto wala na ngang tumitibok sa dibdib ko
baka naiwan ko sa’yo
(lipad_lipad, paruparo lipad)
(lipad_lipad, paruparo lipad)
hindi na ‘ko mabubuo
(lipad_lipad, paruparo lipad)
(lipad_lipad, paroparo lipad)
[outro]
ako ang nasa dulo ng bahaghari
langit ay hindi na sa’king labi
pwede pa bang angkinin
ang nawala mong pagtingin?
dating tunay ng_yon naging kunwari
puso mong iba na ang may_ari
ako’y aasang dadating, araw na ika’y babalik
Random Lyrics
- magnum (band) - great adventures lyrics
- анна плетнёва (anna pletneva) - cinema lyrics
- ynw melly - fuxk the opps lyrics
- jan rot - vaas vol dode bloemen lyrics
- murder van - dead hookers lyrics
- bees - (this is for the) better days lyrics
- the movielife - deal with it lyrics
- raimonds pauls - zvani un sveces lyrics
- jaill (band) - the stroller lyrics
- peter furler - all in your head lyrics