dessa - lipad ng pangarap lyrics
taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
ang pangako ng walang hanggang bukas
pabaon man sayoy hapdi ng puso
aabutin na ang pangarap..
at ang bunga ng wagas mong pagsisikap
pag-unlad nitong bayang nililiyag
kapalit ng dalamhati’t paghihirap
pag-angat ng kabuhayang marilag..
liparin mo ang hangganan ng langit
sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
pangarap ng inang bayang tinatangi.
(pabaon man sayoy hapdi ng puso
aabutin ang pangarap)
tutularan ka ng sunod na salin-lahi
kapuri-puring pag-aalay ng lakas
nagpupugay sa makabagong bayani
ang buong bansa’y nagpapasalamat
liparin mo ang hangganan ng langit
sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
pangarap ng inang bayang tinatangi..
ingatan mo ang lipad ang pangarap
umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
kam’tin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
ang tamis na dulot ng iyong tagumpay…
ang tamis na dulot ng iyong…tagumpay
ang tamis na dulot ng iyong tagumpay…
كلمات أغنية عشوائية
- cancro - oltre la luce lyrics
- no recomendable - sevilla lyrics
- brahman - this place is not for people any more lyrics
- afourteen - bill cypher on meth lyrics
- jorge mujica - espacios diligentes lyrics
- hate squad - never surrender...die fighting! lyrics
- petre ștefan - taci lyrics
- vite - 08201 lyrics
- teezandos & midas the jagaban - page 45 lyrics
- hesham raptor - haree2a | حريقة lyrics