kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

dana paulene - akong ako كلمات أغنية

Loading...

[verse 1]
nakita mo na akong nakatitig sa ‘yo
nang walang kolorete sa pagmumukha ko
nakita mo na rin kung pa’no ako umiyak
namamaga ang mata, luha sa ‘yong manggas

[pre_chorus]
ngunit ang sabi mo lang
wala ‘kong pakialam
ano man ang itsura mo
napapamangha mo pa rin ako
kahit sa mga araw na
hindi ka naniniwala

[chorus]
akong ako
‘pag nasa iyo ako
akong ako
‘pag nasa iyo ako

[verse 2]
nakita mo na ako
sa pinakamababang lugar ng buhay ko
nakita mo na rin kung pa’no ako lumayo
pilit kong tinatago
ang pagmamahal ko
[pre_chorus]
ngunit ang sabi mo lang
wala ‘kong pakialam
ano man ang sabihin ng mundo
ay hindi, hindi kita iiwan
kahit itulak mong papalayo

[chorus]
akong ako
‘pag nasa iyo ako
akong ako
‘pag nasa iyo ako

[bridge]
nakita mo nang
walang kolorete sa ’king mukha
nakita mo na rin
kung pa’no tumulo ang mga luha

[outro]
ngunit ang sabi mo lang
wala ‘kong pakialam
ano man ang sabihin
ng mundo ay hindi
hindi kita iiwan
kahit itulak mong papalayo

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغنية الشائعة حالياً

Loading...