
cup of joe - bubog lyrics
[verse 1]
matang natatakot
luhang nakabalot
puso’y napapagod
isip ay umiikot
sa imaheng nais kong matunton
[pre_chorus]
meron pa kayang hangganan
ngiting mapanlinlang
[chorus]
dahil ayaw kong tumingin sa salamin
at mapagtantong mahirap ngang tanggapin
ang ‘sang tulad kong paulit_ulit na pinipilit
maging sapat gawin man ang lahat
kailan kita masisilayan
at kakayanang pagmasdan
[verse 2]
laging gumuguhit
sa brasong namamanhid
tuluyang inuukit sa isip
na mas kakayaning manatili sa dilim
[chorus]
dahil ayaw kong tumingin sa salamin
at mapagtantong mahirap ngang tanggapin
ang ‘sang tulad kong paulit_ulit na pinipilit
maging sapat gawin man ang lahat
kailan kita masisilayan
at kakayanang pagmasdan
[verse 3]
puro sugat at hiwa’ng aking paningin
dulot ng bawat maling nakikita sa ‘kin
sinubukan ko mang iwasan ang salamin
aking damdamin ay puro bubog pa rin
[chorus]
dahil ayaw kong tumingin sa salamin
at mapagtantong mahirap ngang tanggapin
ang ‘sang tulad kong paulit_ulit na pinipilit
maging sapat gawin man ang lahat
kailan kita masisilayan
at kakayanang pagmasdan
[outro]
dahil ayaw kong tumingin
ayaw ko
pagod na ‘kong tumingin
at makita ang hindi ko kayang mahalin
كلمات أغنية عشوائية
- elderbrook & nimino - ain't losing you lyrics
- jf voice - новая мания (new mania) lyrics
- carz (jpn) - lead lyrics
- pom pom squad - everybody’s moving on lyrics
- buğra milat - bunalımlardayım lyrics
- flagman - bombs away lyrics
- steven ryan - happy less lyrics
- girls aloud - some kind of miracle (illicit mix) lyrics
- tha god fahim & nicholas craven - myth who never quit lyrics
- hikigaya, senyakilla & zxcpulsed - terror wave lyrics