kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

cooky chua - maging isang bayani كلمات أغنية

Loading...

[verse 1]
“paano maging bayani?” madalas kong tanungin
sa kisig ba’t talino? pagdanak ng dugo?
mga kilala kong bayani, lahat nakahimlay
mayro’n kayang bayaning sa ngayon ay nabubuhay?

[verse 2]
isang inang lumayag tungong ibang bansa
dumanas ng hirap, matinding pag_iisa
kaniyang naging gabay, pag_ibig sa pamilya
‘di ba’t tulad niya ang matatawag na dakila?

[pre_chorus]
karaniw_ng tao
pambihirang puso
kaniya_kaniyang giting
kaniya_kaniyang galing

[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang bayani

[verse 3]
sundalong ang hangad ipagtanggol ang bayan
ang para sa sarili, handang talikuran
tungkulin ng sundalo, sa ati’y walang halaga
ngunit ‘di ba siya ay karapat_dapat na dakila?
[verse 4]
sa labas ng tahanan, may tumatayong magulang
kaniyang pinupunan pagkukulang ng lipunan
binibigyang halaga kapakanan ng bata
‘di ba’t ang guro’y maituturing ding dakila?

[pre_chorus]
karaniw_ng tao
pambihirang puso
kaniya_kaniyang giting
kaniya_kaniyang galing

[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang bayani

[bridge]
yapak nila ay ating sundan
halina’t tularan

[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang
maging isang bayani

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغنية الشائعة حالياً

Loading...