
cesca - sigpit lyrics
[intro]
bam, ba_ram, ba_ram, ba_ram, ba_ram
bam, ba_ram, ba_ra_ra_bam
[verse 1]
at muling babalik sa tinutuluyan kong na maliit na sigpit
kung saan walang hanggan ang pagtulo ng luha mula kisame
at basa, walang sawa ang kaing_yan ng paniki
sila lang ang nakakaalam ng lahat ng sakit at pighati
[chorus]
ngunit narinig muli ang ‘yong musika
pa’no bang ‘di lumapit kung nand’yan ka na?
pagod na sa mga sabit, puso ko’y isasara
at kahit anong kalabit ay ‘di kita papansinin
[verse 2]
na naman, ‘di alam ano bang mangyayari sa’king hinliliit?
buhat niya ang pangako na aking ginawa
na kailanman ‘di ako mawawalay sa’yo
sa biglaang pagtago na magbibig_y daan sa aking paglaho
nasabi ko naman, pagpasensyahan mo lang
na ito ang aking nakasanayan
[chorus]
ngunit ‘di mo tinigil ang ‘yong musika
sinubukan mo pa ring tanungin kung pwede bang
muling kausapin ka tungkol sa’ting dalawa
mga pangakong kay dali lang nalimutan
[bridge]
sa ating huling usapan, sinadyang magkaaminan
at ‘di ko inaasahang nagaw_ng harap_harapan
sabi mo mayro’ng saysay ang ating munting salaysay
ngunit ‘di naagapan ng oras, nangyari na ang lahat
[interlude]
bam, ba_ram, ba_ram, ba_ram, ba_ram
bam, ba_ram, ba_ra_ra_bam
nangyari na’ng lahat
bam, ba_ram, ba_ram, ba_ram, ba_ram
bam, ba_ram, ba_ra_ra_bam
[chorus]
at nang marinig mo muli ang ‘yong musika
parang ‘di ko na kayang magpaalam pa
sabi nga ni bathala, ‘di ng_yon ang tinakda
balang araw ay sana maiisayaw kita
[outro]
bam, ba_ram, ba_ram, ba_ram, ba_ram
bam, ba_ram, ba_ra_ra_bam
كلمات أغنية عشوائية
- lana del rey - beautiful people beautiful problems lyrics
- andrew cresswell davis - the airs of selivoe lyrics
- franklin calderón - migajas de amor lyrics
- 여자친구 - 귀를 기울이면 love whisper lyrics
- primary - 밤꽃 (night flower) lyrics
- wizkid - odoo lyrics
- raf camora - bye, bye lyrics
- franklin calderón - tu fantasma lyrics
- hot 100 - originally by lady antebellum lyrics
- antônia gomes - fica tranquilo lyrics