kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

celeste legaspi - pandangguhan medley كلمات الأغنية

Loading...

[verse 1]
manunugtog ay nangagpasimula
at nangagsayaw na ang mga mutya
sa mga padyak, parang magigiba
ang bawat tapakan ng mga bakya

[verse 2]
kung pagmamasdan ay nakatutuwa
ang hinhin nila’y hindi nawawala
tunay na hinahangaan ng madla
ang sayaw nitong ating inang bansa

[verse 3]
dahil ang isang mutyang paraluman
ay kasingganda ng dagat silangan
mahal na hiyas ang puso ng hirang
ang pag_ibig niya’y kay hirap kamtan

[verse 4]
kung hindi taos ay mabibigo
sa mga pagsuyong inaalay
kung hindi taos ay mabibigo
sa mga pagsuyong inaalay

[verse 5]
sa aking pagtulog ako’y pinukaw
ng isang panaginip na mainam
ikaw raw at ako ay nagsumpaan
ng pagmamahal hanggang kamatayan
[verse 6]
tahimik na gabing lumipas
nagising akong naghahanap
irog ko, ikaw ang tinatawag
na lilingap_lingap

[verse 7]
ang akala ko ay tunay
panaginip lamang pala
kaya ako ng_yo’y nalulumbay
puso ko’y nasugatan
sa ating pagmamahalan

[verse 8]
isang gabi, maliwanag
ako’y naghihintay sa tunay kong nililiyag
namamanglaw ang puso ko
at ang diwa ko’y laging nangangarap

[verse 9]
malasin mo giliw ang saksi ng aking pagmamahal
bituing nagniningning, kislap ng tala’t liwanag ng buwan
ang siyang magsasabi ng pag_ibig ko’y sadyang tunay
araw gabi, ang panaginip ko’y ikaw

[verse 10]
magbuhat ng ikaw ay aking inibig
ako ay natutong gumawa ng awit
pati ang puso kong dati’y matahimik
ng_yo’y dumadalas ang tibok ng aking dibdib
[verse 11]
halina aking mahal
lig_ya ko ay ikaw
kapag ‘di ka natatanaw
ang buhay ko ay anong panglaw

[verse 12]
kung may pista sa aming bayan
ang lahat ay nagdiriw_ng
may lechon bawat tahanan
may g_yak pati sambahan

[verse 13]
paglabas ni santang mariang mahal
kami ay taos na nagdarasal
prusisyon dito ay nagdaraan
kung kaya’t ang iba’y nag_aabang

[verse 14]
may tumutugtog at may sumasayaw
mayro’ng sa galak ay napapasigaw
ang pista sa bayan namin ay ganyan
ang saya tila walang katapusan

[verse 1]
manunugtog ay nangagpasimula
at nangagsayaw na ang mga mutya
sa mga padyak, parang magigiba
ang bawat tapakan ng mga bakya
[verse 2]
kung pagmamasdan ay nakatutuwa
ang hinhin nila’y hindi nawawala
tunay na hinahangaan ng madla
ang sayaw nitong ating inang bansa

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...