
buklod - tatsulok كلمات أغنية
[verse 1]
totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo
ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
totoy, tumalon ka, dumapa kung kailangan
at baka tamaan pa ng mga balang ligaw
[verse 2]
totoy, makinig ka, ‘wag kang magpagabi
baka mapagkamalan ka’t humandusay diyan sa tabi
totoy, alam mo ba kung ano ang puno’t dulo
ng ‘di matapos_tapos na kaguluhang ito?
[pre_chorus]
hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban
ang kulay at tatak ay ‘di siyang dahilan
hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
at ang hustisya ay para lang sa mayaman
[chorus]
habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
hindi matatapos itong gulo
[instrumental break]
[verse 3]
lumilikas ang hininga ng kay raming mga tao
at ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
totoy, kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
katulad mong dukha ang ilagay mo sa tuktok
[pre_chorus]
hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban
ang kulay at tatak ay ‘di siyang dahilan
hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
at ang hustisya ay para lang sa mayaman
[chorus]
habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
hindi matatapos itong gulo
[pre_chorus]
hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban
ang kulay at tatak ay ‘di siyang dahilan
hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan
at ang hustisya ay para lang sa mayaman
[chorus]
habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
hindi matatapos itong gulo
habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
hindi matatapos itong gulo
[outro]
‘di matatapos itong gulo
كلمات أغنية عشوائية
- guilherme kastrup - ação e liberdade كلمات أغنية
- céline dion - i will be stronger كلمات أغنية
- zara bash - from me كلمات أغنية
- vorhal - flex luthor كلمات أغنية
- $cotty40 - scandalous/addict كلمات أغنية
- natalia lafourcade - mexicana hermosa (versión mariachi) كلمات أغنية
- tms shaio - askin' me كلمات أغنية
- janet jackson - escapade (hippiapolis mix) كلمات أغنية
- juliette reilly - one more day كلمات أغنية
- fela kuti - eko ile كلمات أغنية