kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

blkd x umph - kawal كلمات الأغنية

Loading...

blkd x kjah

kawal ng kultura! [alagad ng sining!]
kawal ng kultura! [alagad ng sining!]
kawal ng kultura! [alagad ng sining!]
kawal ng kultura! [alagad ng sining!]

kawal-alagad ng malaya at mapagpalayang pamamahayag
mga gabay sa paglalayag ng mga sa larangan ay lagalag
sumasalag, pumapalag, upang umalagwa sa pagkakabaon
sa libog sa katawan, yaman, dahas, at bisyo ng lumang panahon
hwag malinlang sa gunita ng aming kabutihang loob
bagama’t kalma bulka’y marunong pumutok
matibay ang paninindigan, hindi mapapaluhod
‘di makakalusot katwirang bulok sa ‘ming mga makatang hubog
sa digmaan ng bigkasan at digmaan sa lansangan
ang kargada’y nagbabagang abakada ng paglaban
mga bara mala-bala bawat tama pantama ng mali
tatamaan ang lahat ng magkakamaling magtanggol ng maling gawi

ambisyon mo ang manguna nang nakaupo lang
hampasin nga kita ng bangko sabay tasa sa nabali at gawin kong panulat
o isaksak ko sa lalamunan, tiyak bigla kang magugulat
walang patak ng dugong lalabas tanging tatagas ay laman ng pluma
ito ang dahilan ba’t kami sinilang, sining na maglilinlang
sa mga pansarili mong adhikain, bumabaling sa atensyon, pinansin ng karamihan
inaalok ng mabilisang pabuya, ‘di na kailangang maghabol
pero hangga’t may tulad mong naliligaw, mas pipiliin kong magtanggol
ngunit kinatataka ko ba’t sama ng iyong t-tig
daig mo pa aking magulang ‘di ako mapilit-
pilit k-maibigan ng sakristan nang magbago
ihip, isip ko’y mawala sa paggawa ng pangit
bakit mo ginising ang natutulog kong kasamaan?
para ‘di mahalata, ay aking dinaan ang pagpatay sa pandiw-ng makabuluhan
atin lang

apat na letrang may tangan ng apat na milyong ulit ng bangis
hindi nakuntento sa panaginip sinabuhay ko imbis
ipagpatuloy ang pagtulog, sumagasa ako sa mga panganib
nag-iwan ng bakas sa mga nais makabawi sabay harang ng balakid

ganid at gahaman, tinatapakan | batang tubigan, sanay maputikan
bagama’t puro, utak at puso, kapag naabuso, handang madungisan
kaya hwag nang magtangka pang sumagot nang pabalang
matamis mang magsalita, matalim ang dila ng sikmurang halang

magwawakas na rin ang pagdadalamhati
sa pamamagitan ng tula namin ang iyong ngiti
minsan ka na lang makarinig ng walang halong landi
tipong mapapatayo ka kahit sugatan ang binti

aming minimithi na maging binhi ng pagbabago sa mga isip na pilit i-
sinasarado | aming t-tik ang magsisilbing bakal na maso, pampalaya sa sinisikil

pare ituring mo kaming tumatapik, sa mga nagdedeliryong dapat naghahasik
nanlalamig, aming sinasampal upang magising isip na ngawit

di makapaniwala sa kung pano kami bumirit, ang mga ‘di sumang-yon ay nagkakandirit

mga tunay na kawal ng kultura muling nagbabalik

كلمات أغنية عشوائية

كلمات الأغاني الشهيرة

Loading...