kalimah.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

berna (phl) - hindi na ako iiyak lyrics

Loading...

[verse 1]
kapeng aking tinitimpla, lagi ng_yong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa ‘ki’y nakatitig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig

[verse 2]
buhok na mahaba, iniingat_ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan ko ito
marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
at ‘di mo napansin at hindi tinutulan

[chorus]
huwag kang mag_alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang pangalan itong aking anak

[verse 3]
pintong dati_rati’y bukas sa iyong pagdating
ng_yo’y nakasara at panangga sa hangin
‘pag ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
kahit mahina pa, ito’y aking sasagutin

[verse 4]
kay linis ng silid, walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
sanggol na nasanay, akala ay ama
ng_yo’y natutulog ito kahit nag_iisa
[chorus]
huwag kang mag_alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
pag_ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
huwag kang mag_alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
pag_ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat

كلمات أغنية عشوائية

اهم الاغاني لهذا الاسبوع

Loading...