gary granada – ngayong gabi كلمات اغاني
tayo’y nabubuhay sa daigdig na masagana
kayraming mga bagay na bago’t magaganda
ngunit sa gitna ng ating kasaganahan
kayraming mga taong lugmok sa kawalan
sa isang tabi ng lansangan, sa munting kartong banig
ay ilalapag ang batang matutulog sa lamig
ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig
dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
ngayon, higit kailanma’y ating nararanasan
biyaya at pinsala ng kaunlaran
ngunit sa gitna ng ating mga abala
sana sa tuwina ating maalala
at sana bago tayo mahimbing
sa ating mga dasal at p-n-langin…
dinggin ang hinaing ng mga munting paslit
at itigil ang digmaan at pagmamalupit
bawat sandali, sampung bata ang papanaw sa daigdig
dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
ipagsabi sa bawat pusong handa na makinig
hangga’t ang katarungan ay di mananaig
ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig
dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig
dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig
كلمات أغنية عشوائية
- saiko › saiko – quimera كلمات اغاني
- kemelion › kemelion – manchmal كلمات اغاني
- trio caixa forte › trio caixa forte – olhando a paisagem كلمات اغاني
- cheeef feat getatrip › cheeef feat getatrip – хроники мистерии كلمات اغاني
- nix the truth › nix the truth – god willing كلمات اغاني
- roadmen › roadmen – hold fast كلمات اغاني
- motores acidos › motores acidos – bucaneiros كلمات اغاني
- serial › serial – cuantas veces كلمات اغاني
- billy cobb › billy cobb – i just won a million dollars كلمات اغاني
- jose guapo › jose guapo – zone 3 كلمات اغاني